Kalye Serye: Yayadub at Alden
Kalye Serye: Yayadub at Alden
By Lex "KuyaKurt" Moreno
Alas Onse y Media lang
Naka-abang na ang lahat
sa isang serye ng saya
sa tanghali na tapat
Tigil pasada
Ilang trike at mga jeepney
sama-samang nanonood
kani-kanilang T.V.
Sa Kalye ng buhay
Ako'y sumusubaybay
Tutok bawat isa
bawat bahay
Isang kaganapang
Mahirap i-explain
Itong love story
ni Yaya Dub at Alden
Saksi buong barangay
sa orig na pag-ibig
umeksena pa ang plywood
Sa palitan ng Kilig
Wika nga ni lola
at kanyang laging pabaon
Mga bagay dumarating
sa tamang panahon
Sa Kalye ng buhay
Ako'y naka-antabay
Aldubarkads ko ay
Sumusugod sa bahay
Relax ka na lamang diyan
Hayaang ma entertain
Sa mga pangyayari
Kay Yaya Dub at Alden
Sa Kalye ng buhay
Mundo'y sumasabay
Di nakakaligtaan
at di sumasablay
Binabalik-balikan
Again and again
Ang mga pangyayari kay
Yayadub at Alden
Nang sila'y muling magkita
sa Philippine Arena
Apat na pu't isang milyon
nag-trending na saya
Kahit ilang pagsubok
ang dinaanan pa nito
Kinaya't kakayanin
Kahit magkakalyo
Kalyo? opo! Kalyo!
Asawa ni...
Kalye ng buhay
Ako'y sumusubaybay
Tutok bawat Juan
ng bawat bahay
Isang kaganapang
Parang Fairy Tale
Sundan na lamang natin
Si Yayadub at Alden
Sa Kalye ng Buhay
Ako'y susubaybay

Comments