Ako ay Ikaw


Sino ako? ako, ano? sino?
itinulak ang sarili inabot ang entablado
na sariling talento nagsilbing gasolina
nagalab ang puso lumiyab mga likha

dumaloy ang tapang
lumaban gumapang tiyan ngayon walang laman
sandatay musika sa king pakikipagsapalaran

heto ngayon saan na ba ito?
naligaw 0 nalito sa layo ng tinatakbo
ayoko sa kawali ako'y piniprito
talangka na kasabay pilit akong pinauupo

tagilid mga lakad ng mapanira na hukbo
nilihis sa tuwid prinsipyo'y binaliko 

nilagpasan ang hirap sa sarili kong pawis
kahit minumulto di na ako tumatalilis

buo aking tapang handa sa daan
sa birada ng dila binagsak ang kalaban

Ako ay Ikaw
by Noveno feat KuyaKurt
released by Downorth Musique

Listen to the song

Comments

Popular Posts