Daang Paliko


Nangako sa maraming tao
matuwid na isinama sa daanan mo
Sa umpisa ayoko magtiwala sa iyo
Ang sabi ng ilan ika'y pagbigyan ko

di katagalan gumewang ang oto
Panay ang kambiyo saan-saan iniliko
Simula't simula pa ito ang plano
linlangin ang marami ipalapa sa mga lobo

Ayoko na ako ay bababa
Bulok na sistema di na masikmura
Teka sabi ko itigil mo na
Bakit tuloy pa rin ang iyong kabig sa manibela

Kung ayaw mo itigil ikaw ang bumaba
Inililigaw mo lang kami at pinapaniwala
na ito ang matuwid, na ito ang tama
tumigil ka, bumaba ka na


Daang Paliko
Music and words by Deo Cruz
Rap part by Alexis Moreno


SoundCloud link
Listen to the song


Watch the live performance
Scrap Pork Barrel Rally
Ayala Avenue
October 4, 2013
Uploaded by Rakrakan na Tayo

Youtube link

Comments

Popular Posts